Payo ng mansanas sa kakain nito

Mula sa puno ako ay iyong pitasin. Pagkatapos,

Idiin mo nang marahan ang iyong ngipin sa akin

At ukaban ang malutong kong laman – na binabalutan ng

Balat na pula.

Kasabay nito, tatagak ang aking

Katas na dapat namnamin ng iyong

Dilang hahanap-hanapin ang manamis-namis kong

Sarap. Sipsipin at kagatin mo pa ako nang

Paulit-ulit upang lalo mo pang malasap ang

Takam, na magtatapos sa aking pagkatuyo at kawalan

Nang ngatngatin mo ako hanggang sa aking

Kaibuturan.

0 comments:

Find It