Bakit kasi nagsusulat pa gayong punung-puno na ng marka

Mahaba-habang panahon na rin ang nagdaan
Nang una kong ilapat ang aking panitik
Sa markadong sulatan

Sinubukang mapansin

Mula sa libu-libong sulatin
Sulat dito, sulat doon,
Ngunit ako ay bigo pa rin
…

Pagod na ako.
Subalit ibig ko pang magsulat.
…

Sumulat.
…

Sulat.
…

Ngunit hindi na kaya.
Mabigat na ang pluma
Sa mga daliring walang sigla.

Parirala. Salita. Titik.
Marahil may maisusulat pa
Sa papel na punung-puno na
Ng marka.

…

Hapung-hapo na ako.

Marahil wala talaga akong puwang
Diyan sa puso mo.

0 comments:

Find It