Ako ang pinagmumulan
ng langis na magbibigay-apoy upang lutuin
ang sinaing, at initin ang ulam
na hindi na inaasam ng mga sikmurang kumakalam.
Kaya ililiko mo ang pihitan pakanan.
Ingat lamang sa pag-ikot, at baka ang katawan ko (at ninyo) ay sumabog.
0 comments:
Post a Comment