Pangako

Naaalala ko nang minsang
Sabihin mo sa aking walang iwanan,
Kaibigan.
"Mananatili ako sa iyong tabi
Sa lahat ng sandali,
Pangako iyan kaibigan."
Ngunit katulad ng pagkaputol
Ng sanga sa puno
Datapwat matibay ang pagkakapit
Nito ay siya ring pagkabali ng iyong
Pangako ~
Pangakong hanggang ngayon ay
Pinanghahawakan ko.

0 comments:

Find It