T'wing nariyan ka sa aking isipan,
O, anong saya, 'pagkat mayro'ng maitatala!
Subalit ilang sandali lamang,
Ika'y tatakas na naman
At hindi na babalikan
Akong masugid na nag-aabang
Sa iyong aking inaalala
Bawat t'wina.
Dahil ako'y umaasa,
Balang araw ika'y maisusulat.
***
Ganoon ka nga ba talaga,
Kusang darating ngunit biglang mawawala?
Sadyang kay hirap
Ng iyong ginagawa -
Isipan ko'y pinarurusahan
Sa bagay na kawalan lamang ang bunga.
Ano ba ang iyong sadya
Sa iyong pagdaan -
Upang ako'y tulungan
O bigyan ng bigong pag-asa
Na ikaw ay mabasa
Sa maraming mga pahina
Hindi mo ba alam
Na sa iyo nakasalalay
Ang aking pag-aakdang
Siya namang aking ikinabubuhay?
O, anong saya, 'pagkat mayro'ng maitatala!
Subalit ilang sandali lamang,
Ika'y tatakas na naman
At hindi na babalikan
Akong masugid na nag-aabang
Sa iyong aking inaalala
Bawat t'wina.
Dahil ako'y umaasa,
Balang araw ika'y maisusulat.
***
Ganoon ka nga ba talaga,
Kusang darating ngunit biglang mawawala?
Sadyang kay hirap
Ng iyong ginagawa -
Isipan ko'y pinarurusahan
Sa bagay na kawalan lamang ang bunga.
Ano ba ang iyong sadya
Sa iyong pagdaan -
Upang ako'y tulungan
O bigyan ng bigong pag-asa
Na ikaw ay mabasa
Sa maraming mga pahina
Hindi mo ba alam
Na sa iyo nakasalalay
Ang aking pag-aakdang
Siya namang aking ikinabubuhay?